Basic Resident Registration Card / Aking Card ng Numero

Maaari naring maisyuhan ng Juki Card (Basic Resident Registration Card) ang mga residenteng dayuhan simula ng nagumpisa ang operasyon ng Juki Net (Basic Resident Registration Network) noong Hulyo 8, 2013.

Subalit matatapos na ang pag-isyu ng Juki Card (Basic Resident Registration Card) sa Disyembre 2015 dahil nag-simula na ang pag-isyu ng Aking Card ng Numero noong Enero 2016.

Gayunpaman, maaari pang gamitin ito ng mga residenteng kasalukuyang may Juki Card sa loob ng wastong panahon, hanggang sa makakuha ng Aking Card ng Numero kahit lumagpas na ng Enero 2016.

※Ang Juki Net (Basic Resident Registration Network System) ay isang sistema upang mapabuti ang kombinyensya ng mga residente at makatulong sa rasyonalisasyon ng pangangasiwa ng pambansa at lokal na pamahalaan, na maaaring mag kumpirma ng pagkakakilanlan ng residente gamit ang naka-network na Basic Resident Registration sa buong Japan.

※Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa Basic Resident Registration Network (Juki Net), tignan ang 「Basic Resident Registration (Juki Net) Website」.

Para Sa Mga Residenteng Dayuhan: Mga Katanungan Tungkol Sa Basic Resident Registration Network (Juki Net)PDF

Ibalik ang Juki Card (Basic Resident Registration Card) bilang kapalit ng Aking Card ng Numero

Kinakailangan ibalik ang Juki Card kapag nagpa-isyu ng Aking Card ng Numero paglagpas ng Enero 2016. Hinihiling namin na dalhin ang inyong Juki Card sa oras na magpapa-isyu ng Aking Card ng Numero. (Maaaring gamitin itong dokumento ng pagkakakilanlan para sa pag-isyu ng Aking Card ng Numero kapag ang Juki Card ay may larawan.)

Aking Card ng Numero

Maaaring matanggap ang Aking Card ng Numero sa munisipalidad kung saan nakaresidente.
Ang Aking Card ng Numero ay gawa sa plastic card na may IC chip at makikita sa harap ang pangalan, address, kaarawan, kasarian, Aking Card ng Numero (Indibidwal na Numero) at larawan ng ID.

Ito ay maaaring magamit para sa pagkumpirma ng pagkakakilanlan, pati na rin sa iba’t ibang mga serbisyo tulad ng serbisyong pang munisipalidad, electronic certificate gamit ang electronic application tulad ng e-Tax atbp.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa Aking Card ng Numero, tignan ang 「Aking Card ng Numero WebsiteOpen link in a new browser window

※Kapag nag-renew ng panahon ng pananatili...
Kinakailangan baguhin ang mga nakasaad sa Aking Card ng Numero.

Mga halimbawa ng mga posibleng gawin mula Hulyo 8, 2013

  • Pinasimple at napabilis ang pag-proseso ng pag sumite ng residence certificate sa ibang mga administratibong ahensiya.
  • Maaari ng makakuha ng residence certificate sa ibang munisipalidad.
    (Paalala) Kailangan ipakita ang Juki Card (Basic Resident Registration Card), Aking Card ng Numero, Residence Card, atbp.
  • May mga eksepsyon tulad ng pag-proseso ng pag-lilipat ng tirahan sa pamamagitan ng pagpapadala ng sulat, atbp. Para isang beses na lamang mag-proseso sa munisipalidad sa mga may Juki Card (Basic Resident Registration Card) o Aking Card ng Numero.
  • Maaari ng mag-apply gamit ang online para sa serbisyong pang-administratibo na nangangailangan ng pagkumpirma sa pagkakakilanlan sa pamamagitan ng pag-imbak ng electronic certificate sa Juki Card (Basic Resident Registration Card) o Aking Card ng Numero.
  • Sa mga may Juki Card (Basic Resident Registration Card) o Aking Card ng Numero, ilan sa mga munisipalidad ang may sariling serbisyo na maaaring makapag-isyu ng mga certificate sa convenience store atbp.

Pag-isyu ng mga sertipiko atbp. sa convenience store

Sinimulan na ang serbisyo ng gabay sa multilingual para sa pag-gamit ng Kiosk Device sa pag-isyu ng mga sertipiko atbp. sa convenience store mula Hunyo 10, 2014.

Bukod sa Japanese, meron ng naka translate na English・Chinese・Korean・Portoguese・Spanish na nakasaad sa screen.

※Ang maaaring maisyu sa serbisyong ito ay ang 「Residence Certificate」、「Certificate of Items Stated in Resident Register」 at 「Certificate of Registered Seal」 lamang.

※Ang serbisyong multilingual ay para lamang sa pag-gamit ng Kiosk Device at ang mga maiisyu na sertipiko tulad ng Residence Certificate atbp. ay nakasulat lamang sa Japanese.

※Kumpirmahin muna sa munisipalidad kung saan nakaresidente kung saan ang may convenience store na may serbisyo na maaring mag-isyu ng mga sertipiko.

Tignan ditoOpen link in a new browser window, para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga serbisyo ng convenience store.

ページトップへ戻る