Sa pagpapatupad ng 「Batas sa pagbabago ng bahagi ng Basic Resident Registration」 (Batas No. 77 ng 2009), mula Hulyo 9, 2012(Petsa ng pagpapatupad) ang mga residenteng dayuhan ay naangkop na rin sa sistema ng Basic Resident Registration. Nangangahulugan ito na ang mga residenteng dayuhan ay maaari na ring maisyuhan sa munisipalidad ng 「Certificate Of Residence」 kung saan sila naka residente.
(Paalala)
Ang tinutukoy dito ay ang mga residenteng dayuhan na may sariling address sa loob ng lugar ng munisipalidad na may 「Medium-to-long term residents」 at mga 「Special permanent residents」. (Mga mayroong residence card lamang ang naangkop. Hindi kasali dito ang may status na 「Short-term visa」 o mga taong hindi hihigit ng 3 buwan ang pananatili)
Kinakailangan dalhin ang Residence Card (ipakita ang Passport para sa mga hindi inisyuhan ng residence card sa airport) at mag sumite ng paglilipat sa munisipalidad kung saan naka residente sa loob ng 14 araw mula sa petsa ng pagtakda ng titirahan ang mga dayuhang bagong pasok sa bansa na nabigyan ng status na 「Medium-to-long term residents」 na maaaring manatili ng mahabang panahon sa Japan sa ilalim ng batas ng immigration. (Mga mayroong residence card lamang ang naangkop. Hindi kasali dito ang may status na 「Short-term visa」 o mga taong hindi hihigit ng 3 buwan ang pananatili)
Ang mga dayuhang residente na magkasama sa isang sambahayan na mag susumite ng pag-lipat ng tirahan sa munisipalidad ay kailangang mag bigay ng dokumento (Birth certificate, Marriage certificate atbp. na inisyu ng gobyerno at iba pang pampublikong institusiyon ng sariling bansa) na magpapatunay ng relasyon sa pinuno ng sambahayan at ng tao mismo.
Mangyaring tandaan na kailangang naka translate sa wikang Hapon ang mga dokumentong magpapatunay ng relasyon sa pinuno ng sambahayan.
Ang sistema ng Basic Resident Registration ay kinakailngan mag sumite kapag lilipat ng tirahan pati na ang mga residenteng dayuhan, sa munisipalidad kung saan nakatira at sa munisipalidad ng bagong lilipatan.